Nagpatupad ng fuel subsidy program ang lokal na pamahalaan ng Agoo, La Union upang matulungan ang mga transport worker, magsasaka, at mangingisda na apektado ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis dulot ng tensyon sa Middle East.
Sinimulan ang pamamahagi ng subsidiya sa humigit-kumulang 1,600 miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Associations (TODA).
Sinundan ito ng distribusyon sa 3,012 rehistradong magsasaka mula sa apatnapu’t walong barangay. nakatanggap din ng subsidiya ang mga mangingisda sa 11 baybaying barangay bilang bahagi ng programa.
Ayon sa LGU Agoo, layunin ng inisyatiba na suportahan ang mga sektor na mahalaga sa transportasyon at produksyon ng pagkain upang mapanatili ang tuloy-tuloy na serbisyo at matiyak ang katatagan ng lokal na ekonomiya at seguridad sa pagkain.
Binigyang-diin ng pamahalaang bayan na ang programa ay tugon sa pagtaas ng presyo ng krudo upang maprotektahan ang mga commuter at mamimili laban sa posibleng pagtaas ng pamasahe at presyo ng mga bilihin. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










