GEN. DOUGLAS MACARTHUR MEMORIAL SA DAGUPAN CITY, ITATAYO SA MARSO

Magtatayo ng Gen. Douglas MacArthur Memorial Building sa Bonuan Blue Beach ang pamahalaang lungsod ng Dagupan bilang pagpaparangal sa mga Filipino at Amerikanong beterano ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Magsisimula ang konstruksyon sa susunod na buwan at inaasahang matatapos sa unang bahagi ng 2026, na pinondohan ng PHP60 milyon sa unang Phase nito.

Ito ay magsisilbing museo na magtatampok ng mga eksibit tungkol sa kabayanihan ng mga beterano.

Ayon sa lokal na pamahalaan, ito ay magiging simbolo ng sakripisyo at tapang ng mga naglaban para sa kalayaan ng bansa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments