Tuesday, November 24, 2026

₱20/KILO NA BIGAS, MULING UMARANGKADA SA SAN MANUEL; BARANGAY CABARITAN AT FLORES, NAKINABANG

Kasunod ng mga naunang barangay, naabot na rin ng benteng bigas ng pamahalaan ang Barangay Cabaritan at Barangay Flores sa San Manuel, Pangasinan.

Sa ilalim ng programang Benteng Bigas, Meron Na! ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nagkaroon ng bentahan ng bigas sa halagang ₱20 kada kilo para maibsan ang gastusin sa pagkain.

Pinangunahan ang aktibidad ng Department of Agriculture (DA) katuwang ang mga partner nito.
Target ng programa ang mga sektor na higit na nangangailangan, kabilang ang senior citizens, persons with disabilities at solo parents, na may nakalaang rice allocation para sa mga benepisyaryo.

Sa Pangasinan, nasa 177,000 pamilya ang target makinabang sa programa.

Kabilang sa mga namahagi sa dalawang barangay so Marlyn Primicias-Agabas ang kinatawan ng 6th District ng Pangasinan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments