Manila, Philippines – Umalma ang isang kongresista na huwag palagpasin ang tila doble-karang ipinapakita ng China sa bansa matapos ang napaulat na paglalagay ng rocket launchers sa pinag-aagawang fiery cross reef.
Iminumungkahi ngayon ni House Defense Committee Senior Vice Chairman Ruffy Biazon na iprotesta ito ng gobyerno at pagpaliwanagin ang China sa ginawang paglalagay ng rocket launcher sa teritoryo ng bansa.
Giit ni Biazon, habang pinipigilan ng China ang ibang bansa na nang-aangkin sa fiery cross reef ay gumagawa naman pala ito ng hakbang para i-militarize ang lugar kahit pa ito ay malinaw na nasa Exclusive Economic Zone o extended continental shelf ng bansa.
Sinabi ni Biazon na kailangan nang manindigan ng Pilipinas salig sa ruling ng UN Permanent Court of Arbitration dahil ito ang nagbigay na ng legal at high moral ground para salungatin ang China.
Posibleng ipagpalagay ng China na sunud-sunuran sa kanila ang Pilipinas kung hindi kokontra at mananahimik lamang sa ginawa sa bansa.
DZXL558