Iminungkahi ni Senator-Elect Francis Chiz Escudero sa gobyerno na ibenta ang mga hindi kinakailangang assets o property.
Ayon kay Escudero, ito ay para makakolekta ng kinakailangang pondo ang pamahalaan sa harap ng napakalaking utang ng bansa na umaabot na sa higit ₱12 trilyong na dapat nating bayaran.
Bukod dito ay iginiit din ni Escudero na paghusayin ng husto ang pangungulekta ng buwis at mga fees.
kasama din sa suhestyon ni Escudero na sugpuin o pigilan ang kurapsyon at ilaan sa tamang programa at proyekto ang limitadong resources ng pamahalaan.
Paliwanag ni Escudero, kailangang bantayan ang ating limitadong pondo para tiyak na magagamit ito sa pagpapasigla ng ekonomiya at paglikha ng dagdag na mga trabaho.
Facebook Comments