Kalibo, Aklan — Matagumpay na isinagawa ng gobyerno probinsyal ng Aklan ang Provincial Local Health Board Meeting sa Provincial Governor’s Office, Conference Room kahapon, November 21. Ang Provincial Local Health Board Meeting ay isang regular na aktibidad ng gobyerno probinsyal sa pamamagitan ng Provincial Health Office. Layunin nitong talakayin ang iba’t-ibang isyu na may kaugnayan sa kasalukuyang sitwasyon ng health system sa Aklan, pati na rin ang mga programa na makapagbibigay ng benepisyo sa mga Aklanon. Tinalakay sa nasabing Health Board Meeting kahapon ang Signing ng Memorandum of Agreement para sa ‘Inter-LGU Cooperation for the Province wide Health System’, kung saan ang layunin nito ay mas maayos na sistema sa pagpapalakas sa kapasidad ng health system ng probinsya. Dinaluhan ang nasabing aktibidad ni Aklan Governor Jose Enrique ‘Joen’ Miraflores, SP member Bayani Cordova, Dr. Feman Rene Autajay ng DOH-Aklan, at mga personnel ng Provincial Health Office na pinamumunuan ni Dr. Leslie Ann Sedillo. Nasa nasabi ring aktibidad ang department heads ng iba’t-ibang opisina ng gobyerno probinsyal, pati na rin ang municipal mayors ng bawat bayan kasama ang kanilang mga Municipal Health Officers.
Facebook Comments