Gobyerno, tiniyak na magkakaroon ng boses ang mga kababaihan sa mga usapin ng polisiya at development sa bansa

Siniguro ng Marcos administration na mabibigyan ng boses ang mga kababaihan sa mga usapin na may kaugnayan sa polisiya at development sa bansa.

Sinabi ito ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles kaugnay ng ginawang oath-taking ceremony ng 80 bagong talagang miyembro ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) sa Malacañang.

Mula sa kabuuang bilang ng mga bagong talagang miyembro ng BTA, 16 dito ay mga babae.


Sinabi ng kalihim, ang pagkakaroon ng balanseng representasyon ng kasarian sa gobyerno ay importante sa pagbuo ng mapayapang lipunan.

Sa ilalim aniya ng Marcos administration, patuloy ang pamahalaan sa pagbibigay ng oportunidad sa mga kababaihan na makisali sa usapin ng polisiya at kaunlaran ng bansa.

Facebook Comments