Golden State Warriors at Boston Celtics, maghaharap ngayong araw para sa Game 4 ng NBA Finals: GSW superstar Stephen Curry, tiniyak na maglalaro!

60

Muling maghaharap ngayong araw ang Golden State Warriors at Boston Celtics para sa Game 4 ng NBA Finals.

Gagawin ang Game 4 sa teritoryo ng Celtics kung saan ay abanse na sila sa serye sa 2-1 record.

Kasabay nito, nilinaw ni GSW superstar Stephen Curry na maglalaro siya sa Game 4.


Ginawa ni Curry ang pahayag kasunod na rin ng pangamba ng maraming fans nang makita siyang mamilipit sa sakit sa huling bahagi ng fourth quarter sa Game 3 nang madaganan ang kanyang paa ni Boston Celtics forward Al Horford.

Nitong araw ng Biyernes ay hindi muna nagsagawa ng team practice ang Warriors at sa halip ay ginawa nila itong rest and recovery day.

Facebook Comments