Professional Regulatory Commission, nakapagtala ng 68% passing rate sa May 2022 Nursing Licensure Examination

140

Pumasa ang 6,616 sa 9,729 examinees ng Nursing Licensure Examination noong Mayo 29 at 30 ngayong taon.

Batay ito sa resulta na inilabas ng Professional Regulatory Commission (PRC) kahapon.

Katumbas ito ng 68% passing rate ngayong taon.


Kapwa nanguna sina Keziah Kyleen Galit Gonzales mula sa Emilio Aguinaldo College – Manila at Nora Jane Barcasias Staveley mula sa Our Lady of Fatima University – Valenzuela sa May 2022 NLE na may rating na 90%.

Nakatakdang magparehistro ang mga nakapasa sa board exam upang manumpa at magampanan ang kanilang propesyon bilang mga bagong nars.

Facebook Comments