
Pinayuhan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang 130 Presidential Scholars sa General Santos City na mag-aral nang mabuti at sulitin ang scholarship.
Ayon sa Pangulo, ang edukasyon ang puhunan na hindi mawawala at magagamit habang buhay.
Sinabi rin ng Pangulo na may tig-₱20,000 na tulong ang bawat scholar mula sa pondo ng barangay, para makatulong sa matrikula at iba pang gastusin sa paaralan.
Dagdag pa niya, layunin ng programa na matulungan ang mga estudyanteng kapos sa pera para makapagtapos.
Hinimok din niya ang mga iskolar na seryosohin ang pag-aaral dahil makakatulong ito sa kanilang kinabukasan, pamilya, at komunidad.
Facebook Comments










