
Nagsagawa ng information campaign hinggil sa tamang waste segregation ang City Environment and Natural Resources Office o CENRO sa Barangay Sta. Maria sa Alaminos City.
Ayon sa CENRO, layunin ng aktibidad na maturuan ang mga residente tungkol sa iba’t ibang uri ng basura at ang wastong paghihiwalay nito sa kanilang mga tahanan.
Dagdag pa ng tanggapan, bahagi ito ng kanilang programa upang mabawasan ang dami ng basurang nagmumula sa mga sambahayan at mapalakas ang disiplina ng mamamayan sa wastong pamamahala ng basura.
Samantala, hinihikayat naman ang mga residente na makiisa sa ganitong mga inisyatibo upang makatulong sa pangangalaga ng kalikasan.
Inaasahan din ng CENRO na magpapatuloy ang kanilang information campaign sa iba pang barangay sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










