Mas naging makabuluhan ang araw ng ilang batang may kapansanan matapos silang makilahok sa hydrotherapy session na isinagawa kamakailan sa Mangatarem.
Sa pangunguna ng MSWDO-STAC Mangatarem, lumahok ang mga Children with Disabilities sa water-based activities na layong makatulong sa kanilang paggalaw, relaxation, at pisikal na pag-unlad.
Kasama sa aktibidad ang mga magulang at staff na umalalay sa mga bata upang maging ligtas, maayos, at mas magaan ang kanilang karanasan sa session.
Sa kabuuan, ipinakita ng programa ang kahalagahan ng mga serbisyong nagbibigay ng malasakit at suporta sa mga batang may kapansanan, upang mas maramdaman nilang sila ay kasama at pinahahalagahan sa komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










