₱150K HALAGA NG SHABU, NASAMSAM SA BUY-BUST SA SUAL; 2 LALAKI, ARESTADO

Mahigit ₱150,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa dalawang lalaki na naaresto sa buy-bust operation sa Sual, Pangasinan ngayong Nobyembre 22.

Batay sa datos, ₱150,212 ang kabuuang halaga ng nasamsam na hinihinalang droga, na nakalagay sa tatlong plastic sachet at may timbang na 22.09 gramo.

Ayon sa pulisya, kinilala ang mga naaresto na 30-anyos na barbero mula Alaminos City at 49-anyos na tricycle driver na residente ng Sual.

Pinangunahan ng Sual Municipal Police Station ang operasyon kasama ang Pangasinan Maritime Police Station at PDEA Region 1.

Nakuha rin sa operasyon ang buy-bust money, boodle money, cellphone, motorsiklo at coin purse. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments