
Muling isinagawa ang Goodbye Gutom Program sa Barangay Bonuan Gueset, Dagupan City noong Hulyo 19 bilang bahagi ng mga aktibidad para sa Nutrition Month 2026.
Ayon sa pamahalaang lungsod, kabilang sa programa ang pagbibigay ng masustansyang pagkain para sa mga batang benepisyaryo, kabilang ang chicken arrozcaldo, biskwit, at inuming juice bilang bahagi ng isinagawang feeding activity.
Ang aktibidad ay isinagawa sa pangunguna ng Nutrition Office, katuwang ang iba pang tumulong sa pagpapatupad ng feeding program sa iba’t ibang bahagi ng lungsod.
Layunin ng programa na makapaghatid ng karagdagang suporta sa nutrisyon ng mga bata sa pamamagitan ng regular na feeding activities. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








