Wednesday, August 19, 2026

RELIEF GOODS SA PANGASINAN, SAPAT PA SA GITNA NG PATULOY NA PAG-ULAN

Tiniyak ng Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) na sapat ang kasalukuyang stockpile ng relief goods para sa mga residenteng apektado ng ng masamang panahon sa lalawigan.
Dahil nagpapatuloy ang pag-ulan at pagbaha, tumataas din ang pangangailangan sa relief goods, lalo na sa mga lugar na may mga residenteng lumikas.
Ayon kay PDRRMO Operations Head Vincent Chiu, sapat pa ang kasalukuyang suplay, ngunit nag-request na sila ng karagdagang stockpile.
Batay sa datos, 423 barangay na ang apektado ng pag-ulan at pagbaha. Karamihan sa mga ito ay nasa western Pangasinan, habang nakaranas naman ng flash flood ang Bugallon.
Ibinaghagi rin ng ahensya na noong Agosto 17 ay nagpadala sila ng responders sa Mangatarem para tumulong sa evacuation ng mga residenteng naapektuhan ng baha.
Sa kabila nito, habang nagpapatuloy ang ulan, siniguro ng mga awtoridad na may karagdagang stockpile pa ng relief goods mula sa OCD para sa mga pamilyang nangangailangan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments