
Nagsagawa ng libreng medical mission sa Barangay Calmay, Dagupan City ang isang pribadong healthcare company at ng Calmay Barangay Council noong Sabado, Hulyo 18.
Batay sa ulat, ito umano ay alinsunod sa programa ni Senator Risa Hontiveros sa mga serbisyong pangkalusugan.
Kabilang dito ang pagpapakonsulta sa doktor, blood pressure at iba pang vital signs monitoring, blood chemistry tests, urinalysis, electrocardiography (ECG), fetal Doppler para sa mga buntis na nasa ikalima hanggang ikasiyam na buwan ng pagbubuntis, at pamamahagi ng libreng gamot.
Kasama rin sa isinagawang serbisyo ang pagrerehistro ng mga pasyente, paglalabas ng consultation summary, reseta, at mga laboratory request para sa mga residenteng nagpakonsulta.
Pinangunahan ang naturang medical mission sa pakikipag-ugnayan ng Calmay Barangay Council at ng pribadong healthcare company. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








