Monday, July 6, 2026

PBBM, hindi pa pabor sa pagbaba ng age of criminal liability; mararahas na online games, bukas na ipagbawal sa mga menor de edad

Hindi pa kumbinsido si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa panukalang ibaba ang age of criminal liability sa bansa kasunod ng mga insidente ng pamamaril at pananaksak na kinasasangkutan ng mga menor de edad.

Ayon sa pangulo, kailangan munang pag-aralang mabuti ang epekto nito, lalo na ang kalagayan ng mental health ng mga bata at ang opinyon ng mga eksperto

Binigyang-diin ni Marcos na nagbago na ang mundo at mas malaki na ang impluwensya ng social media at online content sa mga kabataan, ngunit hindi pa tiyak kung sapat na itong dahilan upang baguhin ang umiiral na batas.

Kasabay nito, sinabi rin ng pangulo na handa naman ang pamahalaan na ipagbawal ang mga mararahas na online games kung mapatutunayang nakatutulong ang mga ito sa pag-usbong ng karahasan sa mga kabataan.

Umani ng panibagong panawagan na ibaba ang age of criminal liability matapos ang pamamaril sa isang paaralan sa Tacloban City noong Hunyo 22 kung saan dalawang menor de edad na estudyante ang sangkot.

Facebook Comments