
Dalawang Chinese national na wanted sa kanilang bansa ang naaresto ng Bureau of Immigration (BI).
Ayon sa BI, nahaharap sa patung-patong na kaso dahil sa panloloko at illegal gambling activities ang dalawang pugante na sina Jiang Yin at Li Chuang na nasakote sa Parañaque City.
Isinagawa ang operasyon sa pakikipagtungan sa Chinese authorities na nagbigay ng impormasyon sa kanilang ginagawang krimen
Sa kaparehong operasyon nang madiskubre rin ang isa nilang kababayan na si Wang Weixin napag-alaman na overstaying na sa bansa at nasa ilalim ng Hold Departure Order.
Nadiskubre rin na nag-o-operate ang mga ito sa ilalim ng sindikato na nag-re-recruit ng Chinese nationals para sa illegal online gambling.
Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado, patuloy nilang palalakasin ang kooperasyon sa international law enforcement agencies para mapaliit ang mundo ng mga puganteng nagtatago sa Pilipinas.
Nananatili sa pasilidad ng BI ang tatlo habang inaaadikaso ang kanilang deportation at immigration proceedings.










