
Malaking kalokohan para kay Akbayan Party-list Rep. Perci Cendaña ang pagnanais ni Senator Alan Peter Cayetano na makalahok sina Senators Rodante Marcoleta at Jinggoy Estrada sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
Reaksyon ito ni Cendaña sa motion ni Cayetano na makipag-ugnayan ang Senate Impeachent Court sa Sandiganbayan para hilingin ang partisipasyon nina Marcoleta at Estrada sa impeachment trial.
Diin ni Cendaña walang kredibilidad na maging judge ang mga mismong lumalabag sa batas.
Punto pa ni Cendaña, kung papayagan ang apela ni Cayetano ay paano ang magiging outfit nina Marcoleta at Estrada sa paglilitis – kung magsusuot ba sila ng uniporme ng kulungan o robes ng mga senator judges.
Facebook Comments










