Tuesday, July 21, 2026

Graft cases laban sa dating mayor ng Cebu City at iba pa, ibinasura ng Sandiganbayan

COURTESY: Sandiganbayan

Ibinasura ng Sandiganbayan 7th Division ang lahat ng kasong Graft laban kay Cebu City former-Mayor Michael Rama na may kaugnayan sa mga emergency garbage contract ng lungsod matapos ang pananalasa ng Bagyong Odette dahil nabigo ang prosekusyon na maglatag ng mga ultimate facts na kinakailangan para ma-establish ang criminal liability ng mga akusado.

Kasunod ito ng pagtatangkang prosekusyon na buhaying muli ang tatlong counts ng paglabag sa Section 3-E ng Republic Act 3019, o ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act, na isinampa laban kay Rama pero itinanggi ito ng hukuman.

Maliban sa kasong Graft, ibinasura rin ng hukuman ang Motion for Reconsideration ng prosekusyon na layong baliktarin ang desisyon noong June 2 na nagbabasura sa mga reklamo laban sa limang miyembro ng Cebu City Bids and Awards Committee na nagresulta sa paglalabas ng bail bond at pagli-lift ng lahat ng hold departure order laban sa mga akusado.

Matatandaang nag-ugat ang nasabing isyu sa tatlong negotiated procurement contracts na nagkakahalaga ng halos ₱45 million na iginawad ng pamahalaan ng Cebu City noong December 2021 sa mga kompanyang Jomara Konstrukt Corporation, ACM Hauling Services, at ARN Central Waste Management INC para tugunan ang problema sa basura matapos ang nasabing bagyo.

Facebook Comments