Ground breaking isinagawa para sa pagpipintura ng mga bahay sa PC Hill

*Gagawin ngayong umaga ang revitalition painting project ng mga bahay sa PC Hill barangay RH-1 ng lungsod o mas tinawag na Shine Cotabato shine, na magkatuwang na proyekto ng City LGU Tourism office at ng Department of Tourism-12 sa pangunguna ni Dirrector Nelly Dillera.*
*Sa panayam ng DXMY kahapon kay City Tourism officer Girlie Frondoza, na taong 2015 pa napagplanuhan ng city government ang pagpipintura ng mga bahay sa PC HIl particular sa harap ng dapdap subalit ngayon lamang ito maisakatuparan makaraang magpalabas ng pondo ang DOT-12 na nagkakahalaga ng 1.6 milyon pesos para sa pagpipintura.*
*Nais kasi ni mayor Cynthia Guiani na maging tourist attraction ang nasabing lugar katulad ng dinadayong lugar sa baguio..Maging sa fly-over ng dapdap ay pipinturahan upang mas lalong maganda at attractive ang lugar..Ang lokal na pamahalaan ang siyang sa manpower habang ang mga may-ari naman ng bahay aypwedeng tumulong maglabor.*

Facebook Comments