GROUNDBREAKING NG ITATAYONG TOURIST REST AREA SA LINGAYEN, PANGASINAN, ISINAGAWA

Isinagawa, kahapon, ang groundbreaking ceremony ng itatayong Pangasinan Tourist Rest Area sa BeachFront Provincial Capitol Complex, Lingayen, Pangasinan.

Pinangunahan ang naturang seremonya ni Department of Tourism Secretary Christina Garcia Frasco.

Ayon kay DOT Secretary Christina Garcia Frasco, isa lamang ito sa marami pang tourist rest area na kanilang inilunsad upang suportahan hindi lamang ang turismo kung hindi ang kabuhayan ng mga nasa sektor ng turismo.

Malaking pasasalamat naman ang inihayag ni Governor Ramon Guico III sa DOT sa pagpili sa lalawigan bilang isa sa paglalagyan ng Tourist Rest Area.

Makatutulong umano ito sa pagpapaunlad ng turismo ng lalawigan, mapadali at magiging mas komportable din umano ang magiging pagbisita ng mga turista.

Una nang inilunsad ang Tourist Rest Area sa rehiyon uno na matatagpuan sa Pagudpud, Ilocos Norte. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments