LINGAYEN BAYWALK, PATULOY NA DINADAGSA NG MGA LOKAL AT TURISTA

Paborito pa ring pasyalan ng mga residente at turista ang Lingayen Baywalk.

Kaugnay nito, pinangunahan ni Governor Ramon V. Guico III at Department of Tourism (DOT) Secretary Christina ang groundbreaking at paglagda ng Memorandum of Agreement (MOA) para sa itatayong Tourist Rest Area (TRA) sa Capitol Beachfront.

Ang TRA na nagkakahalaga ng 10 milyong piso ay ang kauna-unahan sa Pangasinan at pangalawa naman sa Region 1. Ang TRA ay isa sa mga flagship project ng DOT sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Magkakaroon ito ng mga sumusunod:
* Tourism information desks
* Lounge and cafe
* Charging stations
* Breastfeeding stations
* Malinis na mga palikuran
* at Pasalubong Center

Ang konstruksyon nito ay maisasakatuparan sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan, Department of Tourism (DOT), at Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA).

Lubos naman itong ipinagpasalamat ni Gov. Guico. “This will definitely help our plan to boost the tourism in this part of our province, especially that we are building the longest reflective pool in the country saad ni governor Guico. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments