Thursday, May 28, 2026

Gusot sa Senado, dapat ayusin na sa lalong madaling panahon upang tutukan mga mahalagang panukala ay impechment trial

Umaasa si House Deputy Speaker at La Union Rep. Paolo Ortega V na mapaplantsa na sa lalong madaling panahon ang gusot sa Senado.

Ayon kay Ortega, ito ay para matutukan na ang mga mahalagang panukalang batas gayundin ang impeachment trial kay Vice President Sara Duterte.

Ani Ortega, sa ngayon ay napaka-fluid o walang kasiguraduhan ang sitwasyon sa Senado habang ang Kamara ay puspusan ang pagtuon sa mga prayoridad na panukala sa ilalim ng Legislative Executive Development Advisory Council o LEDAC.

Para kay Ortega, mainam na inayos na lang sa pribadong usapan ang isyu sa pagitan ng mga senador sa halip na dalahin pa ito sa plenaryo na nakaapekto sa trabaho ng Senado.

Facebook Comments