
Nalansag ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) ang tatlong Marijuana plantation sites sa Brgy. Loccong sa Tinglayan, Kalinga.
Ang naturang operasyon ay nagresulta sa pagsira sa humigit-kumulang 300,000 fully grown marijuana plants at pagkakarekober ng nasa 50 kilo ng dried marijuana leaves at fruiting tops.
Tinatayang aabot sa ₱66 million ang halaga ng mga nasamsam na droga.
Kaugnay nito, ang lahat ng mga halaman ay binunot, idinokumento, at sinunog sa mismong site, kung saan kumuha rin ng mga sample para sa laboratory examination.
Pinuri naman ni PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang mga operatiba at sinabing patuloy ang kampanya ng PNP laban sa ilegal na droga upang maprotektahan ang komunidad, lalo na sa mga liblib na lugar.










