
Isiniwalat ni Senate President Alan Peter Cayetano na may plano ang minority bloc na ipabakante ang mga komite na kasalukuyang pinamumunuan ngayon ng “legitimate majority”.
Ito ang rason na ibinigay ni Cayetano sa gitna na rin ng patuloy na hindi pagsipot ng majority bloc sa sesyon ng Senado.
Ayon kay Cayetano, ang plano ng minority ay tanggalin ang mga committees sa legitimate majority na posibleng mauwi sa hindi pagusad ng pagdinig ng Blue Ribbon Committee sa maanomalyang flood control projects.
Ngayon kasi na pantay na sila ng bilang na 11-11 , mayroon lang na isang member ng majority na hindi pumasok o mag-abstain ay posible o pwedeng kumilos ang minorya para i-mosyon na bakantihin ang lahat ng committees at lalabas siya na lame duck Senate President.
Sinabi pa ni Cayetano na ang minority walkout nitong nakaraan ay may objective na makuha ang mayorya at dahil ayaw na makaboto ang kanilang mga kasama kaugnay naman sa mosyon na payagan ang videoconference ng isang senador.
Samantala, ang hindi pagdalo ng majority bloc sa sesyon ay ginagamit nila ngayon para magprotesta laban sa pagiging puppet ng Senado.










