Tuesday, June 2, 2026

VP Sara, nagpahayag ng pagkabahala sa mga nangyayari ngayon sa bansa

Nagpahayag ng pagkabahala si Vice President Sara Duterte sa mga nangyayari ngayon sa bansa.

Ayon kay VP Sara, kitang-kita ngayon kung paano ginagamit ang mga institusyon ng gobyerno at ang pera ng taumbayan laban sa mga hindi sumasang-ayon.

Sinabi pa ng bise presidente na sa halip na tutukan ang mga tunay na suliraning ng bansa, ginagamit aniya ang kapangyarihan para patahimikin ang mga kritiko.

Iginiit din ni VP Sara na dapat protektahan ang mga institusyon, hindi lamang ang Senado at ang Kamara, kundi ang bawat senador at kongresista.

Nanindigan din ang pangalawang pangulo na ginagawa ito ng pamahalaan para pagtakpan ang mga katiwalian sa flood control projects at para patalsikin siya at isulong ang charter change.

Facebook Comments