Tuesday, June 2, 2026

Rep. Barzaga, pinatalsik na bilang miyembro ng Kamara

Pinatawan ng expulsion o tuluyang ng pinatalsik si Cavite 4th Distrcit Rep. Kiko Barzaga bilang miyembro ng House of Representatives alinsunod sa rekomendasyon ng House Committee on Ethics and Privileges.

265 ang mga kongresista na bomoto pabor sa expulsion kay Barzaga, 14 ang komontra at 8 ang nag—abstain

Batay sa committee report number 298 na binasa sa plenaryo ng chairman ng komite na si 4Ps partylist Rep. JC Abalos, si Barzaga ay nagpakita ng hindi magandang asal, pagkilos o mga aksyon na hindi akma para sa isang kongresista at paglabag sa Code of Conduct ng Kamara.

Ang committee report ay tugon sa inihaing ethics complaint laban kay Barzaga ni Iloilo Rep. Janette Garin kaugnay sa asal ni barzaga na nakaka-apekto na proceedings at trabaho ng mga kongresista sa plenaryo ng Kamara.

Tinukoy ni Garin sa reklamo ang kawalan ng propesyunalismo ni Barzaga, gayundin ang madalas nitong post at paglalive sa social media kung saan sinisiraan nito ang mga kapwa mambabatas at ang buong kamara na tinatawag nitong crocodile farm.

Binigyang diin sa committee report na ang mga asal ni Barzaga at ang mga social media posts nito ay nakasira sa dignidad, integridad at reputasyon ng Kamara.

Binanggit din ni Abalos na malinaw ang kolatilya sa naunang ipinataw na dalawang beses na 60-araw na suspensyon kay Barzaga na mahaharap ito sa mas mabigat na parusa kung hindi sya magbabago.

Facebook Comments