
Nagsagawa ng security at safety check sa loob ng gusali ng Senado ang mga tauhan ng Philippine National Police – Explosive and Ordnance Disposal Unit (PNP – EOD).
Kasama ng mga tauhan ng EOD sa kanilang security sweep sa Senado ang mga K-9 dogs o bomb sniffing dogs na pinaikit sa buong gusali.
Hindi tulad sa pangkaraniwang araw, mas maraming tauhan ng PNP-EOD at K-9 ang naglibot sa building at kadalasan, taga-Armed Forces of the Philippines (AFP) ang nakikita sa Senado na nagsasagawa ng inspeksyon.
Paglilinaw naman ni Senate-Sergeant-At-Arms officer-in-charge (OIC) Director Manuel Parlade, bahagi ito ng regular na inspeksyon at security sweep sa Senado, iyon lamang hindi pa napagbibigyan ang kanilang request mula sa AFP kaya PNP pa rin ang nagiinspeksyon.
Samantala, patuloy pa ring naka-standby at nagbabantay ang ilang tauhan ng PNP civil disturbance management units sa labas ng gate ng Senado matapos ang May 13 shooting incident.










