Umaabot na sa ₱896-M ang kabuuang pinsala nang nagdaang Bagyong Paeng sa imprastraktura.
Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mula ang mga nasirang imprastraktura sa Regions 1, 2, MIMAROPA, Regions 5, 6, 7, 10, 11, 12 at CAR.
Pinakamalaking pinsala sa imprastraktura ang tinamo ng Region 2 na nasa P71-M ang halaga na sinundan naman ng CAR na P1.8-M, Region 5 na may mahigit P375,000, P227,000 sa Region 7 at P110,000 mahigit mula sa Region 10.
Nakapagtala rin ang NDRRMC ng iba pang damaged assets tulad ng furniture, educational materials, electronics, fishing boats at mga sasakyan na nasa P1-M ang halaga.
Samantala, sa irigasyon naman ay naitala ng NDRRMC ang P1.4-M na halaga ng pinsala.
Habang sa sektor ng agrikultura sumampa na sa P1.2-B ang halaga ng pinsala ng bagyo kung saan ang pinaka napuruhan ay ang Region 6.