HALOS 500 INDIBIDWAL, HULI SA ILIGAL NA PAGSUSUGAL

13
Inaresto ng mga awtoridad ang nasa halos 500 katao dahil sa iligal na pagsusugal.

Sa inilunsad na One Time Big Time operation ng Police Regional Office 2 (PRO 2), mayroong kabuuang 497 na indibidwal ang hinuli sa rehiyon.

Isinagawa ang operasyon noong Setyembre 12 hanggang Setyembre 18, 2022 kung saan naaktohan ang mga suspek na naglalaro ng ilegal na sugal.

Batay sa datos ng PRO 2, Tong-its at Peryahan ng bayan ang karaniwang nilalaro ng mga nahuli.

Sa ginawang operasyon, nakakumpiska ng halagang P108,583 bet money.

Nahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa PD 1602 o ang Anti-Gambling law.

Facebook Comments