
Para kay Akbayan Rep. Perci Cendaña, hindi karapat-dapat mabigyan ng protective custody ng Senado si Sen. Bato dela Rosa laban sa arrest warrant ng International Criminal Court o ICC.
Giit ni Cendaña, malinaw na si Dela Rosa ay isang pugante ng International Law at dapat managot sa mga nagawa nyang krimen laban sa mamamayang Pilipino.
Paliwanag ni Cendaña na ang pagkupkop ng Senado sa isang pugante ay pagkakait ng hustisya sa mga biktima nito.
Bunsod nito ay hinahamon ni Cendaña si Senator Bato na ipakita mo ngayon ang pinagyayabang na tapang.
Sabi ni Cendaña, mainam na tigilan na ni Dela Rosa ang pagtatago na parang daga kung saan at dapat ay lumabas na ito sa lungga nito para sumuko at harapin ang kaso at pananagutan sa mga ninanakaw na buhay sa ilalim war on drugs.










