Tuesday, May 12, 2026

Sen. Bato Dela Rosa, sumama ang loob kay dating SP Tito Sotto

Aminado si Senator Bato dela Rosa na sumama ang kanyang loob kay dating Senate President Tito Sotto III matapos na payagan na makapasok kahapon ang mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) para sana isilbi ang warrant of arrest laban sa kanya ng International Criminal Court (ICC).

Ayon kay Dela Rosa, hindi siya magpapaka-plastic sabay sabi na pakiramdam niya ay pinagtaksilan siya ng Senate president.

Sinabi ni Sen. Bato na batid niya na galing sa ICC ang warrant of arrest pero hindi man lang binusisi kung dumaan ba ito sa lokal na korte sa bansa.

Maliban dito, wala ring sinabihan si Sotto tungkol sa NBI na nagaabang sa kanya kaya naniniwala ang senador na may plano talagang ipahuli siya para hindi maalis sa pwesto.

Aminado si Dela Rosa na natakot siya at noong una inakalang mga driver lang ang mga NBI na nakaabang sa kanya sa may basement.

Hinarang at hinawakan umano siya ng mga NBI at kung hindi siya nakawala ay malamang sa naposasan na siya.

Nilinaw naman ni Sen. Bato na nalulungkot lamang siya sa ginawa sa kanya ni Sotto pero hindi siya galit dito at nirerespeto pa rin niya ang dating Senate President.

Facebook Comments