Nagsagawa ng morning fitness activity ang mga tauhan ng San Fabian Municipal Police Station (MPS) noong Mayo 4, 2026 bilang bahagi ng pagpapanatili ng kanilang physical readiness at mental endurance sa serbisyo.
Pinangunahan ni PLT Jeffrey P. Biacan, Admin/Supply/PSMU PCO, ang nasabing aktibidad na ginanap sa Public Auditorium kung saan sinimulan ito sa pamamagitan ng “Pulisteniks,” ang specialized calisthenics program ng Philippine National Police (PNP) na layuning mapanatiling physically fit ang bawat pulis para sa kanilang tungkulin.
Matapos ang conditioning exercises, nagsagawa rin ang mga tauhan ng limang round na road run na dumaan sa Caballero Street sa Barangay Poblacion.
Ayon sa San Fabian MPS, mahalaga ang ganitong uri ng aktibidad upang mapalakas ang pisikal na kakayahan ng mga pulis at mapanatili ang kanilang kahandaan sa pagtugon sa anumang sitwasyon o insidente.
Bukod sa physical training, nakatutulong din umano ang road run sa pagpapataas ng police visibility sa komunidad bilang pagpapakita ng aktibo at mapagmatyag na presensya ng kapulisan sa lugar.
Binigyang-diin naman ng pamunuan ng San Fabian MPS na ang pagpapanatili ng mabuting kalusugan at disiplina ng kanilang mga tauhan ay mahalagang bahagi ng kanilang layunin na makapaghatid ng mas episyente at maaasahang serbisyo publiko. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








