Halos kalahating milyong piso ng hinihinalang shabu, nasabat ng PDEA sa Cebu City

31

Cebu City, Philippines – Arestado ang dalawang indibidwal matapos kumagat sa entrapment operation ng PDEA region 7 sa Cabantan Street, Barangay Luz, Cebu City.

Kinilala ni PDEA Director General Isidro S. Lapeña ang mga suspek na sina Bronson Kid Abatayo, 30 anyos; at Louie Dela Rosa, 27 anyos.

Ayon kay Lapeña, sa nasabing operasyon ng PDEA sa pangunguna ni Director Yogi Filemon, labing isang pakete ang nakumpiska mula sa mga suspek na may timbang na 125 grams o nagkakahalaga ng 425 libong piso.

Walang pyansa ang inirekomenda kina Abatayo at Dela Rosa, matapos ipagharap sa kasong article II of RA 9165 sec. 5 at 11 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
DZXL558

Facebook Comments