Wednesday, July 8, 2026

Desisyon sa dagdag-sahod sa mga rehiyon, posibleng ilabas simula Setyembre — PBBM

Posibleng sa Setyembre ay magsimulang ilabas ang desisyon sa dagdag-sahod ng mga manggagawa sa iba’t ibang rehiyon ng bansa.

Sa ambush interview sa Pulilan, Bulacan, sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na nagpapatuloy ang pag-aaral ng Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPB) sa mga petisyon para sa wage hike.

Ayon sa pangulo, sinusuri ng bawat regional wage board ang presyo ng mga bilihin at kalagayan ng ekonomiya sa kani-kanilang lugar upang matukoy ang nararapat na umento sa sahod.

Kapag natapos ang pag-aaral, agad na maglalabas ang mga wage board ng kanilang desisyon, na inaasahang magsisimula sa Setyembre.

Nauna nang inaprubahan ang ₱85 na dagdag sa minimum wage sa National Capital Region (NCR), kaya tataas sa ₱780 ang arawang minimum wage mula sa dating ₱695.

Sabi ng pangulo ito ang pinakamalaking dagdag sa minimum wage sa Metro Manila sa nakalipas na apat na taon.

Facebook Comments