Timbog ang dalawang hinihinalang big-time drug pusher sa isinagawang buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) sa Barangay Sta. Lucia, Urdaneta City.
Pinangunahan ng PDEA Regional Office 1, katuwang ang PNP Police Regional Office 1 Regional Drug Enforcement Unit (RDEU) at Urdaneta City Component Police Station, ang operasyon na nagresulta sa pagkakadakip ng dalawang high-value target (HVT) matapos makipagtransaksiyon sa isang undercover operative.
Ang mga suspek ay dalawang lalaki na may edad na 29 at 45. Ang isa ay residente ng Mangaldan, Pangasinan habang ang isa naman ay mula sa Tuguegarao City. Kapwa sila itinuturing na mga high-volume seizure personalities ng mga awtoridad.
Nasamsam sa operasyon ang tinatayang 60 gramo ng hinihinalang shabu na may kabuuang standard drug price na humigit-kumulang ₱408,000. Narekober din ang buy-bust money at iba pang ebidensya.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng mga awtoridad ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, kabilang ang Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Section 26 (Conspiracy), at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs). | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments