
Magpapatupad ng mas pinaigting na police visibility ang San Fabian Municipal Police Station (MPS) sa mga paaralan matapos ang emergency meeting na isinagawa noong Hulyo 7, 2026.
Pinangunahan ng lokal na pamahalaan ng San Fabian ang pulong na dinaluhan ng mga school principal ng East Central Elementary School, West Central Elementary School, at San Fabian National High School, gayundin ng Municipal Local Government Operations Officer (MLGOO).
Tinalakay ang mga insidente ng pamamaril at pananaksak sa loob ng mga paaralan at ang mga hakbang na isasagawa ng mga awtoridad para maiwasan ito.
Dahil dito, inatasan at inihayag ng San Fabian MPS ang pagpapataas ng presensya ng mga pulis sa mga paaralan sa pamamagitan ng mas regular na pagmomonitor, pakikipag-ugnayan sa mga school administrator, at pagpapatupad ng kaukulang police interventions. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










