Pansamantalang isinara ng Pamahalaang Bayan ng Natividad ang Maranum Falls kahapon, Hulyo 10, 2026, bilang pag-iingat sa kaligtasan ng mga residente at mga turistang bumibisita sa naturang destinasyon.
Ipinatupad ang pansamantalang pagsasara dahil sa matinding pag-ulan at hindi magandang kondisyon ng panahon na maaaring magdulot ng panganib sa mga bisita.
Layunin ng hakbang na ito na maiwasan ang anumang aksidente at matiyak ang seguridad ng publiko habang nagpapatuloy ang masamang lagay ng panahon.
Patuloy namang maglalabas ng mga kaukulang abiso ang lokal na pamahalaan hinggil sa lagay ng panahon at sa muling pagbubukas ng Maranum Falls sa oras na maging ligtas na itong puntahan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments