Magsisimula na ang Christmas season sa Urdaneta City sa pagsisindi ng mga Christmas lights sa malaking Christmas tree sa harap ng Old City Hall sa darating na Sabado, Nobyembre 28.
Isasagawa ang Christmas Lighting Ceremony alas-5 ng hapon sa kahabaan ng Amadeo R. Perez Jr. Avenue, sa ilalim ng temang “Beacon Light of the North.”
Tampok sa programa ang opening showcases, performances at panalangin, bago ang lighting salvo show.
Sa harap ng Old City Hall sa Amadeo R. Perez Jr. Avenue gaganapin ang aktibidad, na magsisimula alas-5 ng hapon at bahagi ng paghahanda ng Urdaneta City para sa Kapaskuhan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments







