Hepe ng PNP Cauayan, pinalitan na

107

Isabela, Philippines – Pinalitan na ang bagong hepe ng PNP Cauayan, Ito ang ipinahayag ni City Mayor Bernard Dy.

Ayon sa kaniya, pinalitan ni Police Supt. Narciso Paragas ang dating hepe na si Police Supt. Kevin Bulayungan .

Si Paragas na dating intel officer ng Isabela Police Provincial Office ay pormal na manunungkulan bilang bagong hepe ngayong araw.

Nilinaw ni Mayor Dy na malaking puntos ang pagiging intel officer ni Paragas kaya siya ang napili nito sa limang opisyal na kaniyang pinagpilian.

DZXL558

Facebook Comments