Higit 100 pang repatriated OFWs mula Kuwait, nakauwi na ng bansa

Nakabalik na ng ligtas sa Pilipinas ang nasa 105 repatriated Overseas Filipino Workers (OFW’s) mula sa Kuwait, sakay ng flight EK336.

Sa tulong ng Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Migrant Workers (DMW), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang makauwi ng ligtas ang ating mga kababayan.

Binigyan ang mga OFW’s ng tulong gaya ng food assistance, hotel accommodations at pamasahe pauwi sa kani-kanilang mga probinsiya.


Sa ngayon, patuloy pa rin ang pagtulong ng pamahalaan sa lahat ng mga Pilipinong humihingi ng tulong na makabalik pa ng bansa.

Facebook Comments