
Arestado ng mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit ng QCPD ang dalawang indibdwal sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Paltok, Quezon City.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Catherine”, 43 years old, at alyas “Jhon Mark”, 28 years old, parehong residente ng nasabing lugar.
Narekober sa mga suspek ang 15.72 grams ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng 106,896 pesos.
Bukod dito ay narekober din ang isang pouch, cellphone, at ang buy-bust money.
Kaugnay nito, napag-alaman na ang nasabing dalawang suspek ay may dati nang mga kaso na may kaugnayan sa ilegal na droga.
Sa panibagong kaso na ito, mahaharap muli ang mga nasabing suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Facebook Comments










