Monday, May 4, 2026

Committee report kaugnay sa deklarasyon na may probable cause ang mga impeachment complaints laban kay VP Duterte, pagtitibayin ngayong araw

Target ng House Committee on Justice na pagtibayin ngayong araw ang committee report nito kaugnay sa deklarasyon na may probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte.

Alinsunod ito sa unanimous vote ng 53 miyembro ng komite na may probable cause o sapat na batayan ang ikatlo at ikaapat na impeachment complaints laban kay VP Sara.

Ayon kay Committee chairperson Batangas Rep. Gerville Luistro, kasamang pagtitibayin nila ngayon ang kaakibat na resolution at Articles of Impeachment ng committee report.

Sa oras na mapagtibay ay i-aakyat na ito ng komite sa plenaryo ng kamara para aprubahan o kaya ay ibasura.

1/3 o 106 na mga kongresista ang kailangan para mapagtibay ang committee report ng house justice panel upang ito ay mai-akyat sa Senate Impeachment Court.

Muli, binigyang-diin ni Luistro na ang pasya ng komite ay hindi haka-haka kundi nabatay sa mga ebidensya na kinabibilangan official records, mga dokumento, at sinumpaang salaysay.

Facebook Comments