
Nakipagpulong na ang mga opisyal ng Department of Energy (DOE) sa ASEAN Energy Ministers.
Ito ay para talakayin ang mga pinakahuling kaganapan sa the Middle East at ang epekto nito sa regional at global energy security.
Sa naturang pulong , napag-usapan din ang urgency sa pagtutulungan sa pagtugon sa krisis partikular ang epekto nito sa energy markets at supply chains, sa oil at gas supply.
Napagkasunduan din ng mga opisyal ang pagtutulungan para matiyak ang energy security sa pamamagitan ng pinalakas na kooperasyon ng Dialogue Partners at international organizations.
Facebook Comments










