Friday, June 19, 2026

Pagpapalawig sa paternity leave, isinulong sa Kamara

Isinusulong ng ilang kongresista sa pangunguna ni Akbayan Party-list Representative Chel Diokno na mapalawig hanggang 105 araw ang paternity leave mula sa kasalukuyang pitong araw.

Nakapaloob ito sa House Bill No. 9891, o panukalang Paternity and Parental Leave Act o tatawagin ding PAPA Leave Act na inihain ni Diokno at mga kasamahan nya sa Akbayan Party-list na sina Representatives Perci Cendaña at Dadah Kiram Ismula, gayundin si Dinagat Islands Rep. Kaka Bag-ao.

Ayon kay Diokno, ang panukala ay pagkilala sa hindi matutumbasang papel ng mga ama sa pagpapalaki sa kanilang mga anak at pagpapalakas sa pamilya.

Binigyang diin sa panukala na ang presensya ng mga ama sa kritikal na yugto ng buhay ng mga sangol ay nakakatulong para mapahusay ang development ng mga bata.

Dagdag pa ni Diokno, pinagtitibay din ng panukala na ang pangangalga sa anak ay hindi solong responsibilidad ng mga ina kung saan dapat ay katuwang din ang mga ama.

Facebook Comments