Tuesday, June 23, 2026

Higit 20 indibidwal, nasagip ng PCG matapos masira ang bangka sa Saranggani Province

Aabot sa 28 indibidwal ang nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) makaraan magkaroon ng problema ang sinasakyan nilang motorized banca sa Glan, Sarangani Province.

Nabatid na agad nagsagawa ng Search and Rescue (SAR) ang Coast Guard Station (CGS) Eastern Sarangani matapos makatanggap ng distress call mula sa pasahero ng motorized banca.

Nabatid na nagkaroon ng mechanical problem ang bangka kung saan hindi na ito umandar pa sa layong 300 meters mula sa katubigan sakop ng Barangay Gumasa, Glan.

Nasa maayos na kalagayan ang mga pasahero habang nahatak rin ang sinasakyan nilang bangka sa dalampasigan.

Sa inisyal na imbestigasyon ang motor banca na Lerrie Jie ay umalis ng Lower Makar, General Santos City na patungo sana ng Balut Island ng magkaproblema ang makina nito.

Facebook Comments