
Boluntaryong sumuko sa mga operatiba ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP) at lokal na pamahalaan ang 15 dating miyembro ng lokal na teroristang grupo noong June 19.
Naganap ang nasabing pagsuko sa Barangay Kabengi, Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur.
Kung saan sinuko ng mga dating armadong grupo ang kanilang mga armas kagaya ng high-powered rifles, shotguns, grenade launchers, isang Uzi submachine gun, at improvised explosive devices (IEDs).
Dahil sa kanilang pagsuko,sila ay sumailalim sa Balik -Loob Program kung saan sila ay binigyan ng tulong pinansyal , pabahay , at livelihood support para matulungan silang makabalik sa pagiging buhay sibilyan.
Facebook Comments










