
Nanawagan ang Teachers’ Dignity Coalition sa Department of Education o DepEd, na magdagdag ng mga gwardya at non-teaching personnel sa mga paaralan para masiguro ang kaligtasan ng mga estudyante.
Kasunod ito ng insidente ng pamamaril sa loob ng San Jose National High School sa Tacloban City nitong Lunes, June 22, na lubha umanong nakakaalarma sa emotional at psychological well-being ng mga estudyante, guro, at iba pang personnel ng mga paaralan na nakasaksi sa pangyayari.
Dahil dito, kailangan din umanong bigyan ng agarang psychosocial intervention at counseling ang mga ito.
Dagdag pa dito, nanawagan din ang Teachers’ Dignity Coalition sa DepEd na paigtingin ang seguridad sa paaralan at student support system, gaya ng pagpapalakas sa guidance and counseling programs, at pagbuo ng makataong school discipline facilities.










