
Pinabubusisi ni Bagong Henerasyon Partylist Rep. Robert Nazal ang implementasyon ng Anti-Hospital Deposit Act gayundin ang mga patakaran ng Philhealth at iba pang mga kaukulang healthcare laws, rules, regulations, at policies.
Kaunod ito ng nag-viral na pagkamatay ng isang lalaking may brain hematoma na ayon sa misis nya ay hindi agad naoperahan dahil walang silang malaking halaga ng salapi pangdeposito sa ospital.
Ayon sa misis ng biktima, wala rin silang napakinabangan na benepisyo sa Philhealth dahil hindi daw umabot ng 24-oras na nanatili sa ospital ang pasyente.
Giit ni Nazal, mahigpit na ipinagbabawal ang maningil ng deposito bago tanggapin at gamutin ang isang pasyente.
Ayon kay Nazal, target din ng gagawing imbestigasyon ng kamara na matukoy kung sapat at nasusunod ang mga umiiral na mekanismo at parusa sa mga lumalabag sa batas at patakaran ng Philheath.










